Ngayong Nobyembre 2020, ipapamahagi ng mga Saksi ni Jehova sa buong mundo ang isyu ng magasing Bantayan na may pamagat na “Ano ang Kaharian ng Diyos?” Daan-daang taon nang gustong malaman ng mga tao mula sa iba’t ibang relihiyon ang sagot sa tanong na iyan.
Ipapamahagi ng mga Saksi ni Jehova ang magasin sa lahat, partikular na sa mga negosyante, lokal at nasyonal na mga opisyal ng gobyerno, pati na sa opisyal ng mga korte. Habang isinasagawa ang kampanyang ito, susundin ang mga paalala sa bawat lugar tungkol sa pag-iingat sa COVID-19. Kasama dito ang pamamahagi ng magasin at pakikipag-usap sa mga tao sa elektronikong paraan.
Marami ang nagdarasal na dumating na ang Kaharian ng Diyos. Pero madalas nilang naitatanong kung ano nga ba ang Kahariang ito, kailan ito darating, at ano ang gagawin nito. Ipapaliwanag sa magasing ito na nasa Bibliya lang pala ang sagot. Sigurado kaming ang mga pangakong nasa Bibliya tungkol sa Kaharian ng Diyos ay magbibigay sa mga mambabasa ng kaaliwan at pag
asa na darating ang panahong mawawala na ang kirot at pagdurusa sa mundo.
Available ang electronic na kopya nito sa mahigit 300 na wika sa jw.org/tl, ang opisyal na website ng mga Saksi ni Jehova. (Tingnan sa LIBRARY > MAGASIN.) (PR)





